Lokal na dayalekto, isasali sa pinalakas na storm surge warning system sa bansa

National News

ISASALI na sa pinabago at pinalakas na storm surge warning system ang mga lokal na dayalekto na bahagi ng information dissemination campaign ng pamahalaan.

Ito’y para lalong maintindihan ng publiko ang mga impormasyon na nais iparating ng mga otoridad sakaling dumating ang mga kalamidad partikular na ang bagyo.

Ayon kay Ma. Cecilia Monteverde, agad nilang pag-aaralan ang nasabing ideya bilang tulong sa mga residente na nakatira malapit sa baybayin o coastal area.

Sa ngayon nasa English version pa ang storm surge warning system ng PAGASA at inaasahang ilalabas ang lokal na bersiyon nito sa lalong madaling panahon.

Nilinaw mismo ng PAGASA na hindi nito naging kasalanan ang naunam surge o daluyong nang manalasa ang Yolanda sa kabisayaan.

Ulat ni: Pol Montibon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *