Maynilad

Maynilad, naghahanda na sa posibleng epekto ng pagbabawas ng suplay ng tubig ng Angat Dam

Metro Manila Metro News

NAGHAHANDA na ang Maynilad sa posibleng epekto sa nakaambang pagbabawas ng suplay ng tubig ng Angat Dam.

Kasunod ito ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig na kung saan malapit na ito sa 160 meters critical level

Batay sa datos ng pagasa hydrology division, nasa 161.78 meters na ang lebel ng tubig sa dam na mas bababa kumpara sa 162.39 meters kahapon.

Ayon kay Maynilad Spokesperson Grace Laxa, nagpaplano na ang Maynilad para sa gagawing schedule sakaling bababa pa ang level ng tubig.

Sa ngayon, wala pang i-aanunsiyo ang National Water Resources Board (NWRB) na magbabawas ng alokasyon ng tubig ang Angat Dam sa mga water concessioner.

Samantala, nilinaw naman ni Laxa na ang kanilang ipinatutupad na water interruption tuwing 10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga ay dahil pinupuno ng Maynilad ang water reservoir tuwing gabi.

Kabilang sa mga nakararanas ng water interruption matataas na lugar sa CAMANAVA, Quezon City, Maynila, Pasay, Paranaque, Muntinlupa at Las Piñas.

Ulat ni: Melrose Manuel

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *