Mga kompanya ng langis, nagpatupad ng oil price hike

National News

KASUNOD ng tatlong linggong sunod-sunod na rollback, nagpatupad naman ng taas-presyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa anunsyo ng mga kumpanya ng langis, nasa 35 sentimos ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina.

Nasa 20 sentimos naman ang dagdag sa kada litro ng kanilang diesel habang 25 sentimos sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang oil price hike ngayong 6:00 ng umaga.

Ang naturang oil price adjustment ay bunsod ng paggalaw sa presyuhan nito sa pagdaigdigang merkado.

Ulat ni: Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *