Mga pulis na mapapatunayang sangkot sa mga iligal na gawain, ipakukulong ng PNP

National News

HINDI magdadalawang-isip ang Philippine National Police (PNP) na ikulong ang mga tiwaling pulis kapag napatunayan ang pagkakasangkot nila sa mga iligal na gawain.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI News kaugnay ng pagdinig sa kaso ng higit 2,000 pulis na ini-uugnay sa iligal na gawain.

Ayon kay banac, bahagi pa rin ito ng nagpapatuloy na internal cleansing sa hanay ng kapulisan.

Pangungunahan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ang pagsasailalim sa imbestigasyon at lifestyle check sa naturang mga pulis.

Karamihan naman sa mga iniimbestigahang pulis na may matataas na ranggo ay iniuugnay sa iligal na droga, partikular na sa pangangalaga ng mga drug traders.

Dagdag pa ni Banac, hindi maaaring idahilan ang matinding pangangailangan sa buhay para pumasok sa mga iligal na gawain ang mga pulis.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *