Impeachment Complaint

Pangulong Duterte, biyaheng Thailand ngayong linggo

National News

BIYAHENG Thailand si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong linggo.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DFA Assistant Secretary Junevar Mahilum-West na nakatakdang magtungo ang pangulo sa Bangkok, Thailand mula June 22 hanggang 24 para dumalo sa 34th ASEAN Summit.

Ayon kay Mahilum-West, makakasama rito ng pangulo ang 7 cabinet secretaries.

Kabilang aniya sa mapag-uusapan sa ASEAN Summit ang isyu ukol sa South China Sea.

Sinabi ni Mahilum-West na magkakaroon rin na ilang bilateral meetings ang pangulo pero sa ngayon ay inaayos pa ito.

Nakatakda rin aniyang makipagkita si Pangulong Duterte sa Filipino community sa Thailand.

Ulat ni: Karen David

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *