Pangulong Duterte, nagsalita na kaugnay sa insidente sa Recto Bank

National News

It’s a maritime incident.

Yan ang mga katagang binitawan ni Pangulong Rodrigo Duterte Kaugnay sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangkang pangisda ng 22 manginginsdang Pilipino sa Recto Bank.

Binigyang diin pa ng pangulo na ‘wag maniniwala sa mga pulitiko na bobo na gustong papuntahin ang navy sa West Philippine Sea.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa ika-121 anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point, Cavite.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ng pangulo na nais niya raw mabigyan ng pagkakataon na marinig ang magkabilang panig sa insidente.

Ayon pa sa pangulo, hihintayin na lamang niya ang resulta ng imbestigasyon sa insidente.

Pinayuhan din ng Commander-in-Chief ang Philippine Navy na “umiwas sa gulo” at nanawagan ding huwag nang palalain ang isyu.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *