Polisiya sa West Philippine Sea, hindi kailangan baguhin – Sec. Piñol

National News

IGINIIT ni Department of Agriculture Sec. Emmanuel “Manny” Piñol na hindi na kailangan pa ng gobyerno ng Pilipinas na baguhin ang polisiya nito sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos lumubog ang isang bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa Recto Bank nang banggain ng isang Chinese vessel.

Binigyan diin ni Piñol na ang naturang pangyayari ay maituturing lamang na isolated incident.

Ayon kay Piñol wala siyang nakikitang dahilan para baguhin ng gobiyerno ang polisiya nito sa pinagtatalunang lugar dahil lamang sa nangyaring insidente.

Sa kabila ng pangyayari, sinabi ni Piñol na mayroon naman kapayapaan sa nasabing lugar.

Nakatakdang magtungo ang kalihim sa Occidental Mindoro sa Miyerkules, Hunyo 19, para ipamahagi ang 11 fiberglass na bangka sa mga crew members ng lumunog na F/B Gem-Ver 1.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *