Sen. Hontiveros, tinawag na ‘Irresponsable’ ang Pangulo sa naging pahayag nito sa collision sa WPS

National News

TINAWAG ni Senator Rissa Hontiveros na ‘Mahina at Irresponsable’ si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag nito matapos ang isang linggong pananahinik sa isyu ng banggaan sa Recto Bank.

Sa naging pahayag ni Pangulong Duterte sa 121 st Philippine Navy Anniversary na ginanap sa Sangley Point, Cavite ay sinabi nitong isang maliit na maritime incident lamang ang nangyaring collision sa Recto Bank noong June 9.

Pero para kay Hontiveros ang naging statement ni Pangulong Duterte ay pagpapakita ng totoong kulay ng pangulo na masama at biyolente sa mga mahihirap.

Una namang binalaan ng Pangulo ang publiko sa naging speech kagabi na ‘wag maniwala sa mga pulitiko na nagpapalaki sa isyu ng maritime incident sa West Philippine Sea.

Ulat ni: Margot Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *