UV Express drivers, maghahain ng petisyon sa korte laban sa panukalang P2P

Metro Manila Metro News

NAGRALLY ang ilang grupo ng mga UV Express drivers at operators sa harap ng Quezon City Hall of Justice bago ang pagdinig sa P2P order, para ipaabot ang kanilang pagtutol sa Point to Point (P2P) Scheme kung saan pwede lamang silang magbaba at magsakay sa isang itinalagang sakayan at babaan ng pasahero o terminal.

Ayon kay Atty. Harold Banzuela na siyang abogado ng mga petitioner, nasuspinde na ang P2P kaya wala na silang pipigilin pa at permanent injunction o permanenteng utos na lamang ang kanilang idinadalangin.

Dahil sinuspende muna ng LTFRB ang P2P, binigyan umano sila ng 15 araw ng korte para makapagpasa ng kanilang bagong memoramdum.

Sa ginanap na hearing, sinabi ng korte na kanila ding hihilingin ang panig ng LTFRB ayon sa petisyon ng grupo.

Ulat ni: TJ Bumanlag

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *