Water level sa Angat Dam, posibleng umabot sa critical

Metro News

NANGANGAMBA ang National Water Resources Board (NWRB) na posibleng umabot sa critical point na 160 meters sa linggong ito ang water elevation level sa Angat Dam.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni NWRB Executive Director Sevillo David na inaasahan nilang mangyari ang scenario na ito matapos ianunsyo ng pagasa na magkakaroon ng monsoon break, o kaunting pag-ulan ngayong nagbabago ang weather condition.

Ayon kay David, kung magpapatuloy ang sitwasyon at walang ulan na papasok sa bansa ay hindi malayo na umabot sa 160 meter critical level sa huling linggo ng Hunyo.

Kaninang 6:00 ng umaga, nabatid na ang water level sa angat dam ay nasa 162.39 meter level.

Kung lalo pang bumaba ito, makakaranas ng interruptions ang mga consumers sa Metro Manila at kalapit probinsya na kumukuha ng supply ng tubig sa dam katulad nang nangyari noong 2010.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *