Yellow at red alert sa Luzon grid, iiral ngayong araw

National News

MULING inilagay sa yellow at red alert ang Luzon grid ngayong araw dahil sa manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nagsimulang umiral ang yellow alert mula 9:00 hanggang 10:00 ng umaga at ngayong 11:00 hanggang 1:00 mamayang hapon
muli itong iiral mamayang 3:00 hanggang 5:00 ng hapon at 6:00 ng gabi hanggang 9:00 ng gabi.

Habang naka-red alert ang Luzon grid mula 10:00 hanggang 11:00 ng umaga at muling iiral mamayang 1:00 hanggang 3:00 ng hapon.

Sinabi ng NGCP na nasa 11,402 megawatts kasi ang available capacity sa kuryente habang nasa 11,114 megawatts ang peak demand.

Kahapon nang isinailalim sa yellow alert ang Luzon grid.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *