Luzon grid, muling inilagay sa yellow at red alert ngayong maghapon

National News

MULING inilagay sa yellow at red alert ang Luzon grid ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ngayong maghapon.

Bunsod pa rin ito ng manipis na reserba ng kuryente.

Sa abiso ng NGCP, mula 8:00 hanggang 9:00 ng umaga at mamayang 4:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi nakataas ang yellow alert.

Nakataas naman sa red alert ang grid simula kaninang 9:00 ng umaga hanggang mamayang 4:00 ng hapon.

Ang available capacity sa grid ay nasa 10,962 megawatts samantala mas mataas ang peak demand na nasa 11,134 megawatts.

Kahapon ay itinaas din sa yellow at red alert ang Luzon grid.

Una namang sinabi ng NGCP na ang pagpalya ng ilang power plant ang dahilan ng manipis na suplay ng kuryente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *