Mga Pinoy sa Japan, minomonitor matapos ang magnitude 6.8 na lindol

National News

INAALAM na ng Embahada ng Pilipinas sa Japan ang kalagayan ng mga Pinoy doon matapos maranasan ang magnitude 6.8 na lindol kagabi.

Ayon sa Embahada, nasa 816 ang rehistradong Pinoy na nakatira sa Yamagata Prefecture na nasa Northern Japan.

Anila, mahigpit ang pagbabantay nila sa sitwasyon at kalagayan ng mga Pinoy sa lugar at handa silang magbigay ng tulong kung kinakailangan.

Nag-isyu na rin aniya ng urgent advisories ang embassy sa Tokyo at consulate general sa Osaka para sa mga Filipino sa mga apektadong lugar.

Sa ngayon ay wala pang naiulat na nasaktan o nasawi sa lindol pero ilang railway service ang pansamantalang sinuspinde at maraming mga bahay ang walang kuryente.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *