MRT-3, nakaranas ng aberya sa pagitan ng Buendia at Guadalupe

Metro Manila Metro News

PINABABA at napilitang maglakad sa riles ng tren ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT-3) ngayong umaga.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, nasa 700 na pasahero ang pinababa nang huminto ang isang tren nila sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Station Northbound kaninang 8:17 ng umaga.

Paliwanag ng MRT-3, electrical failure ang dahilan ng aberya na maaring dahil umano sa luma nang electrical sub-components ng tren.

Agad naman aniyang pinasakay ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang 8 minuto.

Humingi rin ang mga ito ng paumanhin sa mga naapektuhan ng aberya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *