Pambansang kamao, tuloy-tuloy ang pag-eensayo sa nalalapit na laban kay Keith Thurman

Sports

Naka-focus ngayon sa kanyanng matinding training ang Eigth-Division World Champion na si Manny Pacquiao kaya ayaw niyang patulan ang mga negatibong pahayag na ipinupukol dito.

Sa pahayag ni Top Rank Promotions Bob Arum na nangangamba ito sa posibilidad na magtamo ng brain injury ang 40-anyos na si Pacquiao sa pagharap nito kay undefeated American fighter Keith Thurman sa Hulyo 21 ( Hulyo 22 sa Pinas) sa MGM Grand Garden  Arenal sa Las Vegas, Nevada.

Ipinaliwanag ni Arum na habang tumanda ang isang tao numinipis ang bungo kaya prone ang isang boksingero sa anumang brain damage.

Ngunit hindi takot dito ang Pinoy champion dahil handa naman umano ang kanyang katawan dahil sa mga training na kanyang ginawa.

Maliban dito, naniniwala ito na kasama niya ang diyos sa kanyang laban.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *