New Zealand

2 Pinoy sa New Zealand, patay matapos mabunggo ng tren

International. National News

PATAY ang dalawang overseas Filipino workers habang tatlong iba pa ang sugatan matapos mabangga ang kanilang sinasakyang kotse ng isang tren sa Pongakawa, New Zealand.

Ayon kay Philippine Ambassador to New Zealand Jesus Domingo, naganap ang insidente malapit sa Bay of Plenty sa Northern New Zealand kung saan tumawid ang kanilang sinasakyan sa riles ng train.

Sa ngayon aniya ay hindi pa matukoy ng mga otoridad kung nag-malfunctioned ang warning sign bago ang insidente.

Sinabi ni Domingo na dalawa sa tatlong nasugatang Pinoy ay malubang nasugatan pero nasa maayos nang kondisyon.

Batay sa ambassador, kararating lamang ng mga biktima sa New Zealand noong nakaraang linggo at kasisimula lamang sa trabaho bilang fruit pickers.

Papunta aniya ang mga ito sa kanilang trabaho nang mangyari ang insidente.

Dagdag pa ni Domingo, hindi pa nila mailalabas ang mga pangalan ng biktima dahil sinusubukan pa rin ng mga otoridad na makontak ang mga pamilya at employers ng mga ito.

Tiniyak naman ng opisyal na magbibigay ng tulong ang Philippine Embassy sa mga biktima at kanilang pamilya.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *