Vietnamese vessel

Vietnamese vessel, hindi na pakakasuhan matapos ang hit and run sa Recto Bank

Regional

HINDI na pakakasuhan ng Dept. of Agriculture ang Vietnamese Vessel na tumulong sa tripulanteng Pinoy na biktima ng hit and run sa Recto Bank.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, imbis na kasuhan dapat na pasalamatan pa ito dahil sa tulong na ibinigay nito sa mga Pinoy fishermen.

Kung hindi aniya sa kanila ani Piñol ay baka nalunod o may namatay sa 22 mangingisdang Pinoy sa gitna ng karagatan.

Limang milya ang layo ng Vietnamese vessel matapos ang insidente ng hit and run sa Recto Bank.

Ayon sa kwento ng mga tripulante matagal ng iligal na nanghuhuli ng isda ang Vietnamese vessel sa Recto Bank na dapat sana ay solo na napapakinabangan ng mga mangingisdang Pinoy.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *