Army chief sa Ethiopia, patay matapos barilin ng sarili nitong body guard

International News

PATAY sa pamamaril si Chief of Staff General Seare Mekonnen matapos nito tangkain pigilan ang nabubuong kudeta sa Amhara Region, Ethiopia Africa noong nakaraang Sabado.

Ayon sa tagapagsalita ni Ethiopia Prime Minister Abiy Ahmed, kasama rin sa napatay si Regional Governor Ambachew Mekonnen.

Kaugnay nito, iginiit ng pamahalaan na kontrolado na nila ang sitwasyon sa rehiyon matapos maaresto ang mga may sala sa pagpatay sa naturang mga opisyal.

Samantala, natagpuan na sa himalayas ang mga labi ng climbers na naiulat na nawala sa bundok noong nakaraang buwan.

Pito sa mga ito ay narekober na habang patuloy pa din ang paghahanap sa ika-walong kasapi ng grupo.

Kabilang sa mga natagpuan ay ang apat na Briton, dalawang Amerikano, isang Australyano at indianong tour guide na noon ay paakyat sana sa 2nd highest peak ng Himalayas.

Naiulat na nawawala ang mga climber sa gitna ng glacier na may altitude na 17,650 ft, malapit sa Nanda Devi noong Mayo 26.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *