Arrest warrant, muling isinilbi kay Janet Lim-Napoles sa loob ng correctional

Section

MULING naglabas ng panibagong warrant of arrest ang Sandiganbayan laban sa negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

isinilbi ng mga otoridad kay Napoles ang arrest warrant sa loob mismo ng Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City noong Biyernes.

Ang naturang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Oscar Herrera Jr., chairperson ng second division ng Sandiganbayan, laban kay Napoles dahil sa kasong paglabag sa Republic act 3019 o Anti- Graft and Practices Act.

Sa ngayon ay nanakulong si Napoles sa CIW dahil sa mga kasong may kinalaman sa kontrobersiyal na anomalya sa Priority Development Assistance Fund.

Kasama ni Napoles sa kaso sina dating Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at nagbabalik na senador na si Sen. Bong Revilla.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *