Attendance ng susunod na speaker, pinasisilip

Section

PINASISILIP ng isang political analyst ang dedikasyon at attendance ng mga kandidato sa pagka-house speaker.

Ayon kay UP Professor at Political Analyst Ranjit Rye, dapat tignan ang work ethic ng isang magi­ging house speaker dahil dito pa lamang ay makikita kung magtatagumpay ang 18th Congress.

Aniya, makikita sa personalidad ng isang potensyal na lider ang perfect na attendance.

Ang pagiging pala-absent ang isa sa ipinupukol na isyu kay Neophyte ­Speakership Candidate Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Batay sa 16th Congress attendance na nakapaskil sa website ng Kamara ay dalawa lamang ang ipinasok ni Velasco sa third session ng 16th Congress.

Sa ngayon ay wala pang ipinalalabas na official attendance para sa 17th Congress pero ilang insider ang nagsabi na halos kalahati ng kabuuang sesyon ay hindi pumasok si Velasco.

Kabilang din sa mga kandidato sa speakership sina Rep. Alan Peter Cayetano, dating House Speaker Pantaleon Alvarez, Leyte Rep. Martin Romualdez at Pampanga Rep. Dong Gonzales.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *