Barangay Ginebra, ibinigay sa NLEX Road Warriors ang ika-7 nitong pagkatalo

Section

MULI nanamang naghari ang Barangay Ginebra Gin Kings sa court matapos nitong tambakan ang NLEX Road Warriors sa iskor na 100-85 sa nagpapatuloy na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Sa umpisa pa lang ng laban ay tinambakan na ng Gin Kings ang Road Warriors ng hanggang 27 puntos dahil sa sunod sunod na  three pointers ni La Tenorio.

Bagaman nakagawa ng sunod-sunod na puntos and Road Warriors sa dulong bahagi ng laro ay hindi na nilang nagawang mahabol pa ang lamang ng Gin Kings.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng gin kings na nakapagtala ng 37 points habang nag-ambag naman ng 16 points si Stanley Pringle.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *