Driver ng 14-wheeler truck na sanhi ng pagguho ng isang bahagi ng Roxas Boulevard, kakasuhan

Metro Manila

KAKASUHAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang driver ng 14-wheeler dump truck na aksidenteng lumubog sa isang bahagi ng service road sa Roxas Boulevard, kahapon ng madaling araw sa Malate, Manila.

Ayon kay DPWH District Engineer Mikunung Makud, bumigay ang bahagi ng service road bunsod ng halos 40 toneladang bigat ng dalang buhangin ng truck.

Aniya, 20 tons weight limit lamang ang maaaring dumaan sa naturang kalsada.

Dahil dito, mahaharap sa kasong overloading at sisingilin ng danyos sa nasirang lansangan ang driver na si Michael Lagco.

Dagdag pa ni Makud, hindi ligtas sa parusa si Lagco kahit pa sa isang government project ito magtatrabaho.

Nauna nang ipinaliwanag ni Lagco na inutusan lamang sila ng isang traffic enforcer na dumaan sa naturang service road upang bigyang daan ang pagdaraos ng Manila Marathon 2019.

Gagamitin naman sa nagpapatuloy na rehabilitation program sa Manila Bay ang dala nitong ton-toneladang buhangin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *