Ginang, sugatan matapos tambangan sa Santa Rosa, Laguna

Regional

SUGATAN ang isang ginang matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Balibago, Santa Rosa, Laguna ngayong umaga.

Kinilala ang biktima na si Mary Jane Bautista Aquino.

Ayon kay Lt. Col. Eugene Orate, lulan si Aquino ng kaniyang kotse na maghatid ng anak sa paaralan nang tambangan ito ng riding-in-tandem.

Agad namang dinala sa ospital ang sugatang biktima habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *