Lebel ng tubig sa Angat Dam, patuloy ang pagbaba sa critical level

Section

BUMABA pa sa critical level ang tubig sa Angat Dam.

Ayon sa tala ng PAGASA Hydrology Division, bumaba pa sa 159.09 meters ang lebel ng tubig sa dam ngayong 6:00 ng umaga.

Mas mababa ito ng 0.34 meters kumpara sa 159.43 meters kahapon.

Bumaba rin ang lebel ng tubig sa iba pang dam kabilang ang San Roque, Pantabangan at Magat Dam.

Samantala, tumaas naman ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ipo, Ambuklao at Binga Dam.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *