Magpinsan sa Camarines Norte, patay matapos natamaan ng kidlat

Regional

MASAKLAP ang sinapit ng dalawang magpinsan na halos masunog ang mga katawan matapos natamaan ng kidlat habang naglalaro ng mobile games sa mataas na bahagi ng bundok sa Purok-3, Brgy. Maulawin, Sta. Elena, Camarines Norte noong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, nagpaalam ang mga biktima na kinilalang sina Jimboy Magsino Lura at Jericho Compra Lura na maghanap ng malakas na signal ng kanilang Wi-Fi upang makapaglaro ng sikat na online games na Mobile Legend.

Habang nasa taas ng bundok at magkatabing naglalaro biglang dumilim ang panahon at kumidlat at tinamaan ang magpinsan.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *