Albert del Rosario

Pagbawi sa diplomatic passports ng dating DFA chiefs, pinuna ni Del Rosario

Section

IKINALUNGKOT ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario ang desisyon sa pagkansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ibinigay na courtesy diplomatic passports sa mga dating foreign affairs department chiefs at envoys.

Ito ang reaksyon ni Del Rosario matapos siyang harangin at ipa-deport sa Hong Kong International Airport.

Iginiit ni Del Rosario na ang pambabastos sa kanyang hawak na diplomatic passport ay pambabastos din sa Pilipinas dahil nakalimbag sa naturang dokumento ang seal ng republika.

Sinabi ni Del Rosario na ito ang unang pagkakataon na hindi siya pinayagan na makapasok sa Hong Kong matapos silang maghain ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales ng reklamo laban kay Chinese President Xi Jinping sa international criminal court kaugnay sa iligal na aktibidad sa West Philippine Sea.

Sa ngayon, pinag-aaralan na aniya nila ni Morales, ang aksyon na posible nilang gawin matapos ang parehong insidente na kanilang naranas sa hong kong immigration.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *