Pangulong Duterte, tinanggap ang alok ng China na magkaroon ng isang joint investigation sa insidente sa Recto Bank

Section

TINANGGAP ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng China na magkaroon ng isang joint investigation kaugnay sa pagbangga ng isang Chinese vessel sa pangisdang bangka ng 22 mangingisdang Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperon Salvador Panelo matapos tanggapin ng pangulo ang alok ng gobiyerno ng China na magkaroon ng joint investigation upang matuldukan na ang isyu.

Bukod sa Pilipinas at China, nais ng malakanyang na dapat ay mayroon pangatlong neutral na bansa na sasali sa imbestigasyon.

Inaasahang bubuuin ang joint investigating committee kung saan magiging miyembro ang tatlong kuwalipikadong  indibiduwal na kakatawan sa Pilipinas, China at mula sa neutral na bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *