luzon grid

Reserbang kuryente sa Luzon grid, bahagyang tumaas

Section

WALANG inilabas na yellow at red alert sa Luzon grid ngayong araw ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Batay sa power situation outlook sa grid kaninang 6:00 ng umaga, nasa 11,985 megawatts ang available capacity habang nasa 10,655 megawatts ang peak demand.

Habang nasa 1,330 megawatts ang reserbang kuryente sa grid.

Dahil dito, walang aasahang power interruption sa Luzon ngayong araw.

Magugunita naman na noong nakaraang linggo ay limang araw na sunod na  isinailalim sa red at yellow alert ang grid dahil sa manipis na suplay ng kuryente bunsod ng pagpagpalya ng ilang power plants.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *