Vice President Leni Robredo, binisita at namahagi ng tulong sa tinaguraing Recto Bank 22

Section

BINISITA ni Vice President Leni Robredo ang mga mangingisda ng lumubog na F/B GEM-VER 1 sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Unang nagtungo ang bise presidente sa bahay ng may-ari ng F/B GEM-VER 1 na si Arlene Dela Torre sa Barangay San Roque, San Jose, Occidental Mindoro.

Personal na kinausap ng bise presidente ang mga mangingisda kaugnay sa nangyaring insidente.

Wala namang mga pulis at media sa kasagsagan ng pakikipag-usap ni Vice President Robredo sa mga mangingisda.

Nagtungo rin si Robredo sa bahay ng kapitan ng bangka na si Junel Insigne at mekaniko ng bangka na si Boy Gordiones.

Kasabay nito, nagbigay si Robredo ng tig-50,000 pesos sa mga mangingisda sa ilalim ng angat buhay project ng office of the vice president.

Tumanggi naman si Robredo na magpa-interview at inihayag na nasa lugar lamang siya para kausapin ang mga mangingisda at magbigay tulong.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *