9 na estudyante, sugatan matapos mabagsakan ng bubong ng kanilang classroom sa Zamboanga City

Regional

SUGATAN ang siyam na estudyante matapos mabagsakan ng bubong ng kanilang classroom sa Sinubong National High School sa Zamboanga City.

Ayon sa Police Regional Office (PRO) 9, nasa Grade 7 at 9 ang mga naitalang biktima.

Isa sa tinitingnang dahilan ng pagbagsak ng bubong ay ang matinding buhos ng ulan nitong weekend.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad at inaalam kung may pananagutan ang contractor dahil 2018 pa naitayo ang bumagsak na istraktura.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *