Agriculture Secretary Manny Piñol, posibleng mailipat sa ibang tanggapan ng pamahalaan

National News

IKINUKUNSIDERA ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailipat ng puwesto si Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ayon sa source, ang posibilidad ng paglipat ni pinol mula da patungo sa ibang ahensiya ay may kaugnayan sa ginagawang assessment ni Pangulong Duterte sa performance ng kanyang mga gabinete.

Bahagi aniya ito ng ginagawang konsultasyon ng presidente sa kanyang finance advisers lalo’t itinuturing ng administrasyon na mahalaga ang nalalabing tatlong taon nito sa panunungkulan.

Paglilinaw ng source, wala pang pinal na desisyon ang presidente tungkol sa posibleng paglipat ni Piñol na ikinukunsiderang maitalaga sa Mindanao Development Authority.

Binigyang diin ng palace source na hindi lang performance ng mga miyembro ng gabinete ang sumasailalim ngayon sa review kundi pati na din ang trabaho ng mga pinuno ng bureau at attached agencies ng ibat- ibang kagawaran.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *