BFAR, nilinaw na akma ang makina sa mga bangkang ipinamahagi sa Recto Bank 22

National News

NILINAW ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pang-municipal waters lang ang fiberglass boats na ibinigay sa 22 mangingisdang nasagip mula sa insidente sa Recto Bank.

Nilinaw din ng BFAR na akma ang 18 horse power na makinang isinalpak sa tatlumpong talampakan na haba ng fiber glass na bangka na nagkakahalaga ng P140,000 kaya maaari na itong magamit ng mga apektadong mangingisda.

Nag-ugat naman ang reaksyon dahil sa kwento ng Recto Bank 22 na hindi pa nila magamit ang mga bagong bangka dahil hindi akma ang makina at limitado lang ang mararating nito.

Sa post naman ni Agriculture Secretart Manny Piñol sa Facebook, makikitang umaandar na ang mga fiber glass na bangka.

Ang mga bangka ay bahagi ng FB pagbabago program ng DA-BFAR sa mangingisda sa buong bansa.

Co-ownership ang pamamalakad sa mga bangkang ibinigay ng libre sa Recto Bank 22 kung saan dalawa ang nagmamay-ari sa isang unit.

Sa huli, sinabi ng BFAR na walang problema sa mga bangka at maaari ng bumalik sa hanap buhay ang mga mangingisda habang ina-ayos pa ang FB GEM-VER 1.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *