Dating opisyal ng Sacramento Kings, hinatulan ng 7-taon na pagkakakulong

Sports

HINATULAN ng hindi bababa sa pitong taong pagkakakulong ang dating top executive ng Sacramento Kings na si Jeffrey David dahil sa paggamit nito ng $13.4 M mula sa sponsorship payments ng Sacramento Kings.

Naghain naman ng guilty plea ang dating executive noong Disyembre para sa wire fraud at aggravated identity theft.

Napag-alamang inilihis ni David ang sponsorship payments mula sa limang kompanya sa isang bank account na hawak nya noong October 2012 hanggang July 2016.

Ginamit ng dating executive ang pera sa pambili at pag-remodel sa ilang Southern California Beachfront Properties, pambayad sa private jet membership at pinambayad sa kanyang mga credit cards.

Nakatakdang namang magsimula sa pagsilbi sa kanyang senstensya si David sa August 20.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *