Lebel ng tubig sa Angat Dam, bumaba pa sa 159 meters critical level

Section

PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Batay sa datos ng PAGASA Hydrology Division kaninang 6:00 ng umaga, umabot pa sa 158.77 meters ang lebel ng tubig sa dam.

Mas mababa ito ng 0.32 meters kumpara kahapon.

Maliban sa Angat Dam, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Ipo, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.

Samantala, patuloy naman ang pagtaas ng lebel ng tubig sa La Mesa Dam kung saan nasa 69.20 meters na ito ngayon.

Nadagdagan rin ang tubig sa Ambuklao, at Binga Dam.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *