KAPA

Panel of Prosecutors na hahawak sa reklamo laban sa Kapa Community, binuo ng DOJ

National News

BUMUO na ang Department of Justice (DOJ) ng panel of prosecutors na tututok sa reklamong kinakaharap ng mga opisyal ng Kapa Community Ministry International Inc.

Sinabi ni DOJ Spokesman at Undersecretary Mark Perete, na binuo ang panel of prosecutors matapos magsampa ng reklamo ang Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Kapa na sangkot umano sa investment scam.

Ang panel of prosecutors ang magsasagawa sa preliminary investigation laban sa reklamong isinampa sa mga Kapa officials.

Sinabi pa ni Perete na inaantay na lang ang pagpapalabas ng subpoena para sa Kapa upang maisalang na sa pagdinig.

Samantala nuong nakaraang linggo lang ay nagpalabas ng look-out bulletin order ang Bureau of Immigration laban sa walong incorporators at walong opisyal ng Kapa, kasama na rin ang tatlong opisyal ng Alabel-Maasim Credit Cooperative.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *