Pangulong Rodrigo Duterte

Pangulong Duterte, 3 na lang ang pinagpipilian para i-endorso sa speakership race

National News

POSIBLENG hindi abutin  ng June 28 ay ihahayag na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang magiging pambato nito bilang house speaker.

Ayon sa palace source nahirapan si Pangulong Duterte sa pagpili gayong lahat naman sa mga nagpahayag ng kanilang interes sa pagtakbo ay mga magagaling, competent at may kakayahang maging pinuno ng lower chamber ng kamara.

Sinabi din ng palace source na hindi din nito masasagot kung bukas ang Pangulong Duterte sa posibilidad ng term sharing dahil ang kamara pa rin ang magakapagdedesisyon nito.

Sa ngayon ay tatlong mambabatas ang masigasig sa pagkuha ng endorsement ng pangulo na nakasama din nito sa biyahe nito kamakailan sa Bangkok, Thailand.

Ito ay sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Leyte Rep. Martin Romualdez.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *