Impeachment Complaint

Pangulong Duterte bukas na magkaroon ng 3rd party probe sa Recto Bank Collision

National News

WALANG problema para kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng isang third party investigation banggan na naganap sa pagitan ng mga mangingisda Pilipino at Instik sa Recto Bank.

Pero may kondisyon ang pangulo dito basta’t patas ang gagawing pagsisiyasat at alinsunod sa due process ay walang itong nakikitang problema sa pagsasagawa ng 3rd party probe.

Wala rin namang problema ayon sa pangulo kung aayawan ito sa kabilang banda ng China.

Tutal ay meron na rin namang sariling imbestigasyon tayong ginagawa kaugnay ng nangyaring banggaan at sa katunayan ay may  hawak na umanong  partial result ng imbestigasyon  ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy tungkol dito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *