Pangulong Duterte, nagtalaga na ng bagong General Manager ng PCSO

National News

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Col. Royina Garma bilang susunod na General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Si Garma ang papalit kay Retired Marine Major Gen. Alexander Balutan na nagbitiw sa puwesto noong Marso dahil sa umano’y korapsyon sa ahensya.

Samantala, mapapaaga ang pagreretiro ni Garma sa serbisyo para paghandaan ang pag-upo sa PCSO.

Mahigit dalawang dekada na ring nasa serbisyo si Garma at kauna-unahang babaeng police chief ng lungsod ng Cebu.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *