Pantawid Pasada fuel cards hanggang sa Biyernes na lang maaaring kunin

National News

MULING nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga rehistradong operator ng Public Utility Jeepneys (PUJ) na kunin ang kanilang Pantawid Pasada fuel cards.

Ayon sa LTFRB, hanggang sa Biyernes, Hunyo 28 na lamang maaaring kunin ng mga driver-operator ang kanilang fuel card na nagsimulang ipamahagi noong 2018.

Sa ilalim ng Pantawid Pasada program, makatatangap ng P5,000 subsidiya ang mga lehitimong PUJ operator at driver.

Ito ay bilang tulong naman sa mga tsuper na apektado ng ipinatupad na train law noong nakaraang taon.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *