PNP-HPG, kumpiyansang maipatutupad ang 5-minutes travel time mula Cubao – Makati

Metro Manila

MALAPIT nang maranasan ng mga motorista ang limang minutong biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Makati City tulad ng ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP-HPG Director Brigadier General Roberto Fajardo, posible itong mangyari bago mag-disyembre ngayong taon.

kabilang sa kanilang mga ipapatupad para maging mabilis ang biyahe ay ang pagpapasara sa mga terminal ng bus, paglipat ng mga barrier para sa mga bus at paglipat sa motorcycle lane.

Kasabay nito ay nagsagawa ng simulator dakong ala-una ng madaling araw mula sa boundary ng Guadalupe hanggang Cubao.

Aminado naman si Fajardo na malabong maabot ang limang minutong travel time kapag peak hours.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *