PNP-HPG, magde-deploy ng 100 tauhan upang labanan ang traffic sa EDSA

Section

MAGLALAGAK ng nasa 100 tauhan ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na tututok sa daloy ng tapiko sa EDSA.

Ayon kay Police Brigadier General Roberto Fajardo, layon nitong magawang posible ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na limang minutong biyahe mula Cubao, Quezon City hanggang Makati City.

Bukod dito ay naghanda rin ang PNP-HPG ng 50 bmw motorcyles na gagamitin para sa kanilang edsa operations.

Nakatakda ring i-deputize ng Land Transportation Office (LTO) ang HPG upang makapag-isyu ng traffic citation sa mga violators.

Naniniwala din ang opisyal na posible ang limang minutong travel time mula Cubao, Quezon City hanggang Makati City ngunit kapag aniya off-peak hours lamang.

Sa ngayon aniya ay patuloy pa ang koordinasyon ng PNP-HPG sa mga concerned agencies para sa pagplano ng implementasyon nito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *