Ulang dala ng mabubuong bagyo, hindi sapat para mapunuan ang water shortage na nararansan

Section

NILINAW ng pagasa na hindi sasapat ang ulan mula sa mabubuong bagyo sa silangan ng Luzon upang mapunan ang kakapusan ng tubig sa mga dams sa Luzon.

Ayon kay PAGASA Forecaster Raymond Ordinario, maaaring magdala ng ulan, baha at landslide sa ilang parte ng bansa ang namumuong sama ng panahon pero hindi ito sapat sa water shortage, lalo na sa Metro Manila.

Sinabi ni Ordinario na kailangan ang mala-Ondoy na ulan para maresolba ang kakapusan ng tubig sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Gayunman, tiyak umanong maraming lugar ang mapipinsala, lalo na ang nasa low lying areas.

Huling namataan ang sentro ng Low Pressure Area (LPA) sa layong 610 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Sa kabila ng pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila nitong nakaraang araw, mababa pa rin ang water level sa La Mesa Dam na pangunahing pinagkukunan ng supply ng tubig ng nasa labing isang milyong populasyon ng National Capital Region.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *