Health Sec. Francisco Duque, kinasuhan na sa Ombudsman

National News

SINAMPAHAN na ng kasong graft at plunder sa Office of the Ombudsman si Health Sec. Francisco Duque III.

Kaugnay ito sa lease agreement sa pagitan ng kompanya ng kanyang pamilya at ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Kasama ang Public Attorney’s Office (PAO), isinampa ang kaso ng mga magulang ng 10 kabataang mag-aaral na umano’y namatay sa ibinigay na dengue vaccine na dengvaxia noong 2016.

Inakusahan ng mga ito si Duque sa ginawang pagpayag ng kompanya ng pamilya na Educational and Medical Development Corp. (EMDC) na upahan ng PhilHealth ang ikatlong palapag ng gusali nito sa Dagupan City, Pangasinan para gawing PhilHealth Regional Office sa Ilocos.

si Duque ay Ex-Officio Chair ng PhilHealth.

Ipinakitang ebidensiya ng mga complainant ang dokumento na nagsasabing si Duque ay stockholder ng EMDC at lease contract ng PhilHealth sa gusali ng mga Duque.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Duque na sasagutin niya ang mga akusasyon at patutunayang wala siyang nilabag sa batas hinggil dito.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *