Speakership Race

Marinduque Rep. Velasco, napiling kandidato ng PDP-Laban bilang susunod na house speaker

National News

NAPILI ng partido ng Administrasyong Duterte na PDP-Laban si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na kanilang pambato bilang susunod na house speaker sa 18th Congress.

Inanunsyo ito ni Senator Manny Pacquiao sa pamamagitan ng video conference mula Los Angeles ngayong umaga.

Ayon kay Pacquaio, mayorya ng PDP-Laban Congressmen ay lumagda ng isang manifesto para suportahan si Velasco.

Inaasahang makakalaban ni Velasco sa posisyon ang mga speakership aspirants na sina Leyte Representative-elect Martin Romualdez ng Lakas at Taguig City Representative-elect Alan Peter Cayetano.

Una nang hiniling ng mga miyembro ng Pdp-Laban kay Pangulong Duterte na siyang chairman ng partido na i-endorso ang kanilang kandidato para sa house speakership pero mas pinili ng pangulo na huwag nang makiaalam sa usapin.

Si Pacquiao ang inatasan ni PDP-Laban President Senator Aquilino Pimentel III na i-anunsyo ang kanilang kandidato.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *