salary scheme

MMDA, pinagpapaliwanag sa mga petisyon kaugnay sa provincial bus ban

Section

PINAGPAPALIWANAG ng Supreme Court (SC) ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa tatlong petisyon na kumukwestiyon sa ligalidad ng pagbabawal sa mga provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA.

Binigyan ng Korte Suprema ng sampung araw ang MMDA para magsumite ng kanilang komento sa tatlong petisyon laban sa provincial bus ban.

Nagdesisyon na rin ang mga mahistrado ng kataas-taasang hukuman na pagsama-samahin na lamang ang tatlong petisyon sa isyu.

Kabilang sa mga petitioner sina Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, Ako Bicol Partylist at ang Makabayan Bloc.

Hirit ng mga petitioner sa SC na magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) para maipatigil ang implementasyon ng MMDA regulation number 19-002 series of 2019 o ang pagbabawal sa mga provincial bus terminal sa EDSA.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *