Pagiging drug den ng bansa, posibleng mahadlangan sa ilalim ng death penalty bill

National News

POSIBLENG mapigilan at hindi na maulit pa ang distribusyon ng iligal na droga sa bansa oras na maipasa na ang isinusulong na panukalang ibalik ang death penalty na limitado para sa mga big time drug lord o high level drug traffickers sa bansa.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III sa kaniyang panayam sa Give Us This Day Program ni Pastor Apollo C. Quiboloy, sinabing ang panukala ay magsisilbing babala sa mga iligal na operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Kasama na rin dito ang banta laban sa mga nagbabalak na gawing drug den o tapunan ang bansa ng mga iligal na droga.

Matatandaang makailang beses nang nakasasabat ng bulto-bultong shabu at iba pang uri ng illegal drugs ang mga otoridad sa ilalim ng anti-illegal drug campaign ng Duterte administration.

Umaasa si Sotto na sa pagbabalik ng regular session sa susunod na Kongreso ay agad na matatalakay ang kaniyang panukala sa ilalim ng bagong miyembrong bumubuo sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *