House Speaker

Pagpili ng susunod na House Speaker, ipinauubaya na ni Pangulong Duterte kay House Speaker Arroyo

National News

TUMANGGI na si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-endorso kung sino ang magiging pambato nito sa speakership race.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kaniyang talumpati sa oath taking ng mga local officials sa Malacañang.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ayaw na nitong dumaan pa sa aniya’y “agony” sa pagpili sa kanyang mga kaibigan bilang susunod na lider ng Kamara.

Ayon sa pangulo, ipinauubaya na niya kay outgoing Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpili sa nais nitong humalili sa kanyang puwesto.

Kabilang sa mga nagpahayag ng interes na maging susunod na house speaker sina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco, Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales, Davao Del Norte Rep. at dating Speaker Pantaleon Alvarez, Leyte Rep.-elect Martin Romualdez, at Taguig City Rep.-elect Alan Peter Cayetano.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *