Kiko Pangilinan

Pambabastos ni Locsin kay VP Robredo, kinondena ni Sen. Pangilinan

National News

MARIING kinondena ni Liberal Party President Kiko Pangilinan ang pagtawag ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. na “boba” kay Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Pangilinan na ang ganitong panlalait, pang-iinsulto at pambabastos kay Robredo sa social media ay walang puwang sa isang sibilisadong lipunan.

Una rito, pinatutsadahan ni Locsin si Robredo sa pagkuwestyon nito sa naging aksyon ng DFA na pagkansela ng mga courtesy diplomatic passports, dahilan para maharang sa Hong Kong International Airport si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario.

Ayon naman sa bise presidente, sa halip na ipagtanggol ng gobyerno ang mamamayan ng Pilipinas ay parang lalo pa itong sinisisi.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *