Pangingisda ng mga Chinese sa EEZ ng Pilipinas, labag sa konstitusyon ayon sa isang mahistrado

National News

IGINIIT ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na hindi maaaring mangisda ang mga Tsino sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ito ay matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapipigilan ang Chinese fishermen na makapangisda sa EEZ dahil kaibigan ng Pilipinas ang China.

Ayon kay Carpio, paglabag sa konstitusyon kung hahayaan ng gobyerno na mangisda ang mga Chinese sa EEZ ng bansa.

Binigyaan-diin ng mahistrado na nakasaad sa batas na dapat pangalagaan ng estado ang marine wealth sa loob ng EEZ nito at dapat magamit lamang mismo ng mga Filipino.

Aniya, ang presidente bilang commander-in-chief ay may constitutional duty na utusan ang sandatahang lakas na protektahan ang yamang dagat ng bansa sa EEZ.

Sinabi ni Carpio na sa ilalim ng konstitusyon kasama sa ‘National Territory’ ang ibang ‘Submarine Areas’ na nakapaloob sa hurisdiksyon ng Pilipinas.

Dagdag pa ni Carpio na ang sovereign rights ng bansa sa EEZ ay para lamang sa Filipino at walang government official ang maaari itong ipaubaya sa iba na walang panhintulot ng sambayanang Filipino.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *