Provincial Director ng TESDA sa Basilan, arestado matapos makuhaan ng mga pampasabog 

Regional

ARESTADO si TESDA-Basilan Provincial Director Muida Hataman dahil sa pag-iingat ng pampasabog.

Sinabi ni PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac sa bisa ng search warrant ay hinalughog ang bahay ni hataman sa Barangay San Rafael, Isabela City.

Samu’t sariling bagay sa paggawa ng pampasabog ang nakita dito kabilang ang electric blasting cap at ammunition.
Gayundin ang isang hand held radio, apat na cellular phone, dalawang laptop at isang sling bag.

Si Hataman ay misis umano ng isang sub-commander ng Abu Sayyaf Group.

Dinala na si Hataman sa PNP CIDG sa Zamboanga City at sasampahan ng reklamong illegal possession of explosives.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *